Pages

Thursday, December 20, 2007

SALOT

Jess Santiago
Composed for and first sang at the National Study Conference on Corruption (NSCC)*
January 14, 2005


Mayroong mikrobyong ngayo'y kumakalat
Ang inaatake ay puso at utak
Ang unang biktima ay ang ating budhi
Ngayo'y wala ng tama at wala nang mali

Mula sa munting sityo hanggang sa munisipyo
Mula punong lungsod hanggang kapitolyo
Mula sa kongreso hanggang sa senado
Laganap ang sakit lalo sa palasyo
Mula sa ibaba hanggang sa itaas
Laki ng kurakot kumporme sa antas

Salot, salot
Ang mga kurakot salot
Salot, salot
Ang mga kurakot salot

Mula kawanihan hanggang kagawaran
Hanggang sa gabinete ng pamahalaan
Silang humahawak ng kapangyarihan
Mula sa barangay hanggang Malakanyang
Silang ating mga pinagkakatiwalaan
Sila ang pasimuno sa katiwalian

Salot, salot. . .

Kabuhaya'y baldado, ang gobyerno'y lumpo
Dapat ng sugpuin ang salot na ito
Kanser ng lipunan ay ating ilantad
Sama-sama nating ihanap ng lunas (ang)

Salot, salot. . .

Mula sa pulisya hanggang sa militar
Mikrobyo'y laganap hanggang sa hukuman
Katumbas ng pirma ay sobreng makapal
Ay, mga pinuno na sobrang garapal
Talamak na sakit, grabeng karamdaman
Di kayang lunasan sa patapal-tapal (ang)

Salot, salot. . .

NSCC was spearheaded by the Center for People Empowerment in Governance (CenPEG), IBON Foundation, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) with the participation of Action Against Corruption and Tyranny Now (ACT Now), Center for Communication Matters (CCM), Citizens Coalition for Good Governance (CCGG), Concerned Artist of the Philippines (CAP), Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), KAIROS, Labor Network Against Corruption and Tyranny (LANCET), Muntinlupa Alliance Against Corruption (MAAC), National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), PATRIOTS, Plunder Watch, Volunteer Against Crime and Corruption (VACC)

No comments: