Pages

Saturday, December 15, 2007

Pagbati sa matagumpay na Reunion ng mga NNARA-Youth

Pagbati sa matagumpay na paglulunsad ng reunion ng mga NNARA-Youth noong nakaraang Disyembre 14, 2007, 6-9 ng gabi sa UP Diliman, Balay Kalinaw.

Nagsama sama ang mga NNARA-Youth (Batches 1995 hanggang 2007) mula sa UP Diliman, UP Manila, at PUP. Ang pagsasama-samang ito ay patunay lamang na ang NNARA-Youth ay patuloy na sumusuporta sa pakikibaka ng mga magsasaka kahit sa anumang propesyon sila naglilingkod ngayon.

Ang renewal ng kanilang paninindigan para sa pagsuporta sa laban ng mga magsasaka para sa pagkakamit nila ng tunay na reporma sa lupa ay isa sa mga naging highlights ng nasabing pagtitipon.

Mabuhay ang NNARA-Youth! Mabuhay ang mga kabataang naglilingkod sa interes ng mga magsasaka!

Ipagpatuloy ninyo ang inyong magandang simulain. Magmulat, mag-organisa at magpakilos sa hanay ng mga kabataan at estudyante.

No comments: