Pages

Thursday, July 10, 2014

SALIMBAYAN

SALIMBAYAN ito ay isinagawa sa UP Manila Kamakailan
Pinagunahan ng Programa ng Araling Pangkaunlaran
Mga Guro ng Pamantasan, nakipag-SALIMBAYAN
Sa mga kinatawan ng mga sektor ng ating lipunan.

Layunin ng nasabing talakayan
Rebisahin at paunlarin ang kurikulum ng Araling Pangkaularan
Upang sumuporta at makatugon
Sa panawagan at interes ng mga inaaping sektor.

Sa maghapong talakayan at palihan
Naging mabunga ang mga usapan
Naging malaya ang palitan ng mga kuru-kuro
Upang higit pang mapahusay ang nilalaman ng mga kurso.

SALIMBAYAN lalo nitong pinatitibay
Ugnayan ng akademya at ng lipunan
Layunin ng Araling Pangkaunlaran
Higit pang ilapit ang Akademya sa mamamayan.

SALIMBAYAN at ang ARALING PANGKAUNLARAN
Handa na sa darating na pasukan
Natuto ang mga guro sa mamamayan
Upang isulong ang edukasyong Makamasa, Siyantipiko at Makabayan.

Reggie Vallejos
July 10, 2014

Hashtags

#SALIMBAYAN
#UPIS
#DAP
#Medical
#Dental
#Booster

Wednesday, July 2, 2014

Identidad, Kultura at Lipunang Pilipino

Lipunang Pilipino
  • Balik-aral sa kasaysayan ng Pilipinas
  • Pakikibaka ng mamamayang Pilipino
  • Kahirapan ng mamamayan sa kabila ng mga programang hangad na ibsan ang kahirapan
  • Mapanlabang tradisyon ng mamamayang Pilipino sa harap ng kolonisasyon
  • Suliranin ng lipunang Pilipino
  • Tungkulin ng mga mamamayan
  • Tunay na Reporma sa Lupa
  • Pambansang Industriyalisasyon
  • Genuine Peace and Development 
Kulturang Pilipino
  • Ang katutubong kulturang Pilipino
  • Globalisasyon at epekto sa ating kultura
  • Palapalagay sa Anime, Cosplay, K-Pop atbp 
  • Napapanahong mga isyu at usapin
  • Agrikultura
  • Kalusugan
  • Edukasyon

Balitang Balita


  •   Paglalakbay sa Daang Matuwid, AanDAP-AnDAP 
  • Pagliko ng daang matuwid
  • Aking suporta sa #Abolish Pork, ayaw ko na ng baboy
  • Oil Price Hike Na Naman!
  • Moralidad batayan na sa pagpili ng Pambansang Alagad ng Sining, Tama ba?

Hashtags



#UPIS
#Traffic
#LocalUniversity
#Requirementsforemployment
#classlist
#balik-aral
#Iiwanangmgaanaksapolytechnic
#reviewfordevstud

Tuesday, July 1, 2014

Panibagong Hamon



Sa darating na Agosto tatahakin ko muli ang isang panibagong hamon sa aking buhay. Iiwan ang dating pamantasan at magsisimulang muli bilang isang guro. Umaasang sa panibagong hamong ito ay makakatulong ako upang maibahagi ang aking mga kaalaman at upang higit pang makatulong sa pag-aaral sa ating lipunan

Ito na muli tayo sa mundo ng akademya. Magtagumpay lang sana tayo sa adhikaing ito.

Random Hashtags

#Anti-Carper
#GARB
#UPIS
#FocusandAttention
#OilPriceHike
#SimplengPamumuhayPuspusangPakikibaka